Click the link below to download the song.
IKAW, AKO, TAYO, MAGKAKAPATID
The New Minstrels
Humuhuni ang ibon, nagsasayaw sa hangin
At laging masaya
Bakit kaya ang tao, may isip at talino
Nalulungkot pa siya
Natutuhan lang, ng bawa’t nilikha
Ang umibig sa tao at daigdig
Lungkot nila’y mapapawi, ligaya’y ngingiti
Pag-ibig at pagasa ang damdaming gigising
Sa taong nahimbing
Ang tunay na ligaya sa ating mga puso
Muling magniningning
Ikaw at ako, hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat
Ay magkakapatid
Tingnan n’yo ang sarili
Sa ating kapwa tao
Ikaw, ako, kayo, tayong lahat
Magkakapatid
Ikaw at ako, hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat
Ay magkakapatid
Ikaw at ako, hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Isipin mong ikaw, ako, kayong lahat
Tayong lahat… magkakapatid!
naalala ko tong song na to nung elementary ako, kinanta ko to.. aww memries
By: Soonyi on August 5, 2009
at 5:39 pm